Natatawa sa atin kaibigan 
At nangangaral ang buong mundo 
Wala na raw tayuong mga kabataan 
Sa ating mga ulo 
Kung gusto niyo kaming sigiwan 
Bakit hindi niyo subukan? 
Lalo lang kayong hindi maiintindihan 
CHORUS: 
Ang awit ng kabataan 
Ang awit ng panahon 
Hanggang sa kinabukasan 
Awitin natin ngayon 
Hindi niyo kami mabibilang 
At hindi rin maikakahon 
Marami kami ngunit iisa lamang 
Ang aming pasyon 
CHORUS: 
Ang awit ng kabataan 
Ang awit ng panahon 
Hanggang sa kinabukasan 
Awitin natin ngayon 
At sa pag-tulog ng gabi 
Maririnig and dasal 
Ng kabataang uhaw 
Sa tunay na pagmamahal 
Nawawala,nagtatago 
Naghahanap ng kaibigan 
Nagtataka, nagtatanong 
Kung kailan kami mapakikinggan 
Kung gusto mo akong subukan 
Bakit hindi mo subukan 
Subukan mo akong pigilan 
Subukan ninyo kami 
CHORUS: 
Ang awit ng kabataan 
Ang awit ng panahon 
Hanggang sa kinabukasan 
Awitin natin ngayon 
Kabataan... 
Panahon... 
Kabataan... 
Ngayon na ang ating panahon

0 comments:
Post a Comment